Linggo, Disyembre 15, 2013

Lest a penny

If a single coin is hard to give, what more a broken heart that is close to rot if not surrendered by its maker?

-----------------



    Tuwing lalalabas ako ng gate ng Unibersidad ng De La Salle, o madalas tawagin naming 'tapat ng gate 1' para mas specific, madalas kong mapansin ang mga batang pagala-gala sa daan, naghihintay ng mapaghihingian ng barya, o di kaya naman ng mga tira-tirang pagkain ng mga estudyante na naitatapon na lang sa basurahan. 

     Marahil ay napaka-common na nga sa ating mga Pilipino ang makakita ng 'street children'. Pero ang napansin kong pagbabago mula nang umuwi ako ng Pilipinas galing ibang planeta, (ok joke bansa lang. feeling astronaut kasi.) kung dati'y nasa tabi lang sila, naghihintay na abutan mo ng barya, ngayon ay bigla ka na lang kakalabitin sabay sasabihing, 'Ate/kuya, pahingi po ng barya.' Alam mo yung sa halip na maawa ka, baka mainis ka pa kasi bigla ka na lang kakalabitin ng ganun so nakakagulat diba? Kaya nga sa tuwing pupunta ako sa tapat ng gate 1, madalas napapakapit ako sa kung sino man ang kasama ko kapag may mga batang dumadaan daan. HAHA. 

     At dahil nga hindi ako sanay sa ganitong scenario, bagama't naaawa ako sa sitwasyon nila, hindi ko magawang magbigay. Ngunit isang araw; isang hapon na mukhang maganda ang ihip ng hangin, pagkatapos kong bumili ng isang bagay sa tabi-tabi at isosoli na sana ang sukli sa aking mahiwagang wallet, may isang bata na inabangan talaga ako at nanghingi ng barya. No choice ako seympre nakita niyang may barya ako, so binigay ko na. Pagkatapos nun ay may isa nanamang batang lumapit, hindi ko pa nalalagay ang buong sukli sa wallet ko, so binigay ko na rin, hanggang sa may bata nanaman na nanghihingi. So syempre abuso na yun kaya hindi na ko nagbigay. Baka yung buong street children sa tapat ng gate 1 eh magsama sama at ubusin pa mga barya ko. Dejk. haha.

     So anyway, hindi naman ako nagsisisi na nagbigay ako, hindi dahil sa kakaunting piso lang naman yun, kundi nakakatuwa yung mga mukha ng mga batang ngumingiti kapag binigyan mo sila. Sa katunayan nga dapat pagkain ang iabot natin sa kanila hindi pera, pero sorry naman wala akong pagkain nun so tig-pipiso na lang muna. Sa mga sandaling iyon, napaisip ako; hindi naman sila nakakatakot, (OA lang talaga ako.) mga bata din sila na naghahanap ng malalapitan, mapaghihingan ng tulong, at mapaghahanapan ng munting kasiyahan.

     Ngayong magpapasko na, naisip na ba natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos at ipinadala niya ang kanyang anak upang tayo, na nuo'y marurungis at tila walang patutunguhan ang buhay ay magkaroon ng masaya at masaganang buhay? Tayo na hiwalay man, o walang pamilya ay bingyan nya ng karaptang tumawag ng 'Ama'? Puro regalo, kainan, inuman, sayawan, or kung ano-ano pang mga kamunduhang gawain na lang ba ang naiisip nating gawin ngayong pasko? Kung babalikan natin ang napakahaba kong sinabi kanina, kung hindi nating kayang magbigay ng kahit isang centimo man lang, paano natin masisiguradong kaya natin ibigay ang puso natin sa Panginoon? Kung sa napakaliit na tulong na iyon, marami ka ng napasaya, paano pa kaya si Hesus na nagpapako sa Krus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan at para tayo'y matawag niyang mga anak? Alam ko na walang sino man, ang makakapantay sa pagmamahal na ito, pero ang sabi nga, "Therefore be imitators of God, as beloved children; and walk in love, just as Christ also loved you and gave Himself up for us, an offering and a sacrifice to God as a fragrant aroma." (Ephesians 5:1-2) 

     Kaya kung alam natin sa ating sarili na tayo'y mga anak na ng Diyos, marapat lang na marunong tayong mag-abot ng kahit kaunting tulog. "It's better to give than to receive", 'diba nga? At sa mga tao naman na hanggang ngayon, naghahanap pa rin ng munting kasiyahan sa mundong ito, bakit hindi mo subukang kalabitin, tumawag, at humingi sa Panginoon? Hindi lang munti ang matatanggap mo, kundi umaapaw na pagpapala. bénédictions de débordement


-----------------


*Photo credits to the owner | For personal use only
  Source: http://farm2.staticflickr.com/1166/1251113480_fe0d1a3630_o.jpg

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento