-------------------
"Haynako, 'yang matandang uklubang 'yan, akala mo ambait bait..."
"Kapag 'di mo binigyan magagalit."
"Nagpapanggap na may sakit lang naman 'yan e."
Ilan lamang ito sa naririnig kong usap-usapan sa jeep tuwing may papasok na matanda at mag-aabot ng sobre, kung saan nakasulat ang nililimos na kaunting barya. Maayos at maganda ang sulat-kamay, hindi mo akalain galing sa isang taong tingin mo ay hindi nakapag-aral.
Nakakapang-duda naman talaga. Ako mismo ay hindi nagbibigay ng pera at baka sa sindikato lang mapunta. Ako mismo ay nababahala sa tuwing maiinis ang matandang pulubi kapag wala ni isa ang nagbibigay sa kanya.
Nanghihingi ka na nga lang e, bakit ka nagagalit?
Pero I have to admit, nakakaawa naman talagang pagmasdan si manong lalo na kung mainit at patuloy pa din siya sa pag-abang ng mga jeep. Kaya bago pa man magbakasyon, napagdesisyunan kong subukang mag-abot ng barya sa kanya, tutal sobrang loyal naman siya sa pag-aabot ng sobre sa mga pasahero. Ang plano ko ay tatlo o limang piso lamang, ngunit sa pag-aalala kong baka bigla nang umandar ang jeep at hindi makababa si manong, binunot ko na kung anong una kong nakita sa wallet ko: Ang sampung pisong gagamitin ko sana pangprint.
Sa mga oras na nag-abot ako ng kaunting tulong, ang nasa isip ko, saan kaya mapupunta ang sampung piso ko? Ipangkakain kaya niya? Ipambibili ng damit? O sa sindikato? But I knew, I only have to leave it to God. Wala namang magagawa ang mga pangamba ko e, so I realized I had to pray for him silently.
Makalipas ang ilang linggo, I was in the church and the message being preached was about, 'Judging others'. Naalala ko ang scenario sa jeep. Minsan talaga hindi na maiwasang manghusga ng mga tao lalo na kung sa tingin nila ay sobra na ang tinulong nila. But otherwise, judging with small knowledge of truth is still wrong. Who knows kung anong pinagdadaanan ng matandang 'yun?
Sa mga oras na nakaupo ako at nakikinig ng mensahe, naalala ko, kulang pala ang pamasahe ko pauwi. Naisip ko na lang, maglalakad nanaman ako, sobrang init lang naman sa labas pero keri lang. Exercise din. Though deep inside, tinatamad ako. Nuong malapit na matapos ang service, binuksan ko ang wallet ko at baka may barya pa 'kong naitago.
Aba, may sampung piso pa pala ako!
Napangiti na lamang ako at nagpasalamat sa Diyos dahil hindi ko na kailangan pang maglakad pauwi. Haha! And then I remembered, "Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you." (Luke 6:38)
Surely, not just a ten-peso coin, but overflowing blessings God can grant you when you have the heart of giving.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento