Huwebes, Marso 27, 2014

A sweet sister, indeed



Sometimes you would never know how much you truly mean to someone till you learn his/her thoughts of you. Now this is a letter from my sweet kikay sister. HAHA <3



February 24 2014 Monday

      Hi ate Sum, Nasa school ako ngayon. Just sitting and writing on this notebook as if I’m talking to you. You know what , I’m so proud that I have a sister like you . Because you are talented and you’re one of my inspiration. Thank you kasi sa mga guides na sinasabi mo sakin natututo ako lumaban. I don’t even know why I’m writing this to you because you did not know me this way. Kanina nahuli kami ni ma’am maingay. Binigyan tuloy kami ng punishment. Tapos ngayon pinalabas yung mga iba samin at iba naman naiwan sa classroom. Isa ako sa naiwan, nagtataka ako bakit kaya? Una ko naisip yung mga naiwan babagsak,pero hindi rin eh ang dami ko kasamang genius. Pero hanggang inexplain sa samin ni teacher na hindi naman kami babagsak ang babaw nga ng dahilan eh. Yes,buti nalang di ako babagsak! ah feel so good. Ate you know what, nung last exam namin sabi no ma’am may bumagsak daw sa math akala ko ako yun kasi ang baba ng score ko sa math, kinabahan tuloy ako muntik na nga ako umiyak eh. Tinanong tuloy ako ng classmate ko “why are you crying?” pasimple naman ako “uy hindi ah hinahawakan ko lang naman mata ko eh.” Sabi ko, galling ko talaga magtago ng feelings noh dapat kasi ate sum nandito ka para d na ako mahihirapan sa studies baka ng pag ikaw nagturo sakin maging best in math pa kao eh da best ka kasi. Ate sum pag nandyan na ako concert tayo ha hehehe minsan tuloy naririnig ako ng iba nahiya tuloy ako hahaha. Dapat hindi mo nalang ito mabasa kasi baka sabihin moa ng oa ko or baka maweirdohan ka sakin. Sorry ha di ko alam spelling ng weird. Pero ate, aaminin ki sayo nung umalis ka dito at iniwan mo kami nalungkot ako syempre, umiyak pa nga ko nun di mo lang nakita, anyway ayoko rin naman ipakita sayo na umiiyak ako . pero ijust realized na nung umalis ka dito I just knew that I can stand alone without relying on you. And you even teach me to not just rely on others, but there is someone that you can rely on and and will never leave you no matter what happen, and it’s God. Kayanga di na ako magtataka kung bakit matibay kayo eh, dahil alam ko na malapit kayo sa panginoon. Ate sum pagnandyan na ako group hug tayo ha, kasi miss namiss na kita ngayopalang. Siguro pagnandian na ako masayang masaya na ako, kasi kasama na kita. I love you ate sum. Wow FOR THE FIRST TIME IN FOREVER nasabi koi to sayo hehehe…Godbless

 -youre sweet loving sister Cyrene

Lunes, Marso 24, 2014

EAT ALL YOU CAN

     Ang mga Pilipino, likas na mahilig sa mga UNLIMITED. Unli rice, bottomless drinks, free snacks, hanggang sa EAT ALL YOU CAN. Ayun nga lang, hindi mawawala ang NO SHARING and NO LEFTOVER rule. :)

     Tuwing pumupunta ako ng SM DasmariƱas, eto yung madalas kong mapansin. Hindi sa natatakam ako at gusto kong kumain. Nakaka-attract lang naman db? Yung buffet at MUKHANG masasarap na pagkain.
     Isang hapon noong pumunta kami nila mommy at ate sa SM. Nung una hindi namin alam kung saan kakain. Ang gusto ni ate dun sa may halo-halo. I forgot the name eh, and I won't bother mentioning it pa. Haha. Ang gusto ni mommy yung sapin-sapin daw talaga. Ilang beses na niyang minention habang bumibiyahe kami. Ako tahimik lang. Pero ayoko talaga ng sinasabi nila kasi puro lutong bahay. And sawang-sawa na po ako dun. I love McDo eh. I love preservatives. Dejk. Haha. So ayun, nung nasa SM na kami at nakita itong nkaka-attract na Bario Fiesta, agad agad pumasok na ang aking ina para lang sa sapin-sapin. Once in a lifetime na lang daw kasi, at miss na miss na niya dahil wala nga iyon sa Doha. So syempre, dun kami sa EAT ALL YOU CAN merienda.
     P130 per person lang naman. So sulit na iyon para sa'min. Pero honestly para sakin hindi kasi I love McDo talaga. HAHA.  So anyway, dahil nga miss na miss ni mommy, andami dami niyang kinuha. Pero malalagkit na foods. Yung tipong hindi pa niya nauubos yung isang plato, kukuha nanaman siya ng panibago. Nasanay kasi sa Doha na kuha lang ng kuha, at kapag ayaw na nung pagkain, ok lang kahit ubusin. Ayun nga lang, nakalimutan na ang GOLDEN rule.
     Any LEFT OVERS will be charged P260 LANG naman. Una pa lang sinabi na ni ate kay mommy na magdahan dahan kasi may bayad ang ano mang uri ng tira. Pero wala eh, hindi daw totoo yun. Buti na lang may nakapaskil about sa mga rules. Kung kelan napakadami ng nakuha ni mommy.
So syempre, ang laking kawalan naman sa'amin yun kung babayaran namin yung mga pagkaing hindi namin naubos. Kaya NO CHOICE kundi ubusin.
     Masarap naman ang sapin-sapin at iba pang mga putahe. (Except na lang dun sa palitaw na walang lasa pero mejo mapait) Ngunit sa dami ba naman ng malalagkit na nakain ko sa araw na iyon, for once, natakot ako sa pagkain. For the first time ayoko na ng UNLIMITED.

Lesson learned. Hindi din maganda ang sobra-sobra. Sakto lang.

Anyway, naubos naman namin eh. So hindi kami nagbayad.Mabigat lang talaga sa tyan.