Linggo, Hunyo 30, 2013

Hindi matitinag, hindi masisira

'To be a Christian is to walk on a field of thorns. It is carrying the weight of the cross with Christ. But guess what, this battle ground is nothing compared to the glory of God that awaits.'






   Isang pagsubok, isang digmaan. Madalas nakakapagod na-- nakakapanghina. Yung tipong naisisgaw mo na habang nakatingin sa taas, 'Ayoko na! Ano bang klaseng buhay 'to?' Nasisisi natin ang Diyos. Lahat tayo guilty dito, kasi lahat tayo nakakaranas ng paghihirap. Ngunit bakit nga ba? Bakit ba napakahirap ng buhay? Bakit araw-araw na lang, para tayong isasabak sa hunger games? Mabuti pa nga siguro yun eh, kasi pwede kang magpatalo; pwede kang sumuko kapalit ng buhay mo.
 
   Emosyonal, pinansyal, o spiritual na problema man yan, sa isang panalangin, lahat pwede mabago; lahat pwedeng malutas. Kung ang pakiramdam mo'y binagsakan ka na ng langit at lupa, isama mo na pati buong kalawakan, habang iniisip na tinalikuran ka na ng Diyos, kapatid, may I ask you, nasaan ka nung pinako sa Krus ang Panginoon? Nasaan ka nung sinabi niyang 'It is done', na ang ibig sabihin, LIGTAS KA NA? O kung masyado ng malayo ang loob mo sakanya at marahil, siguro, baka, hindi mo ko maintindihan, kilala mo ba talaga, ang diyos na sinasamba mo?

   Sigurado ka ba sa diyos na sinasamba at dinadasalan mo? Yan ang madalas na problema. Nanghihina tayo kasi pakiramdam natin, wala naman talagang sasalo sa'tin tuwing nahuhulog na tayo. Eh pano nga ba natin mararamdaman yun kung ni isang pangako yata ng Panginoon hindi natin alam? Okay, so yung gasgas na John 3:16? Gasgas man siya sa pandinig, pero kahit kailan hindi inaamag. Marahil ay balewala na lang 'to sa karamihan. Bakit? Kasi hindi naman naiintindihan. Sino ba yung Messiah na sinasabing magliligtas sa sangkatauhan? Si Hesus diba? Siya lang at wala ng iba. Hindi isang gawa sa kahoy o kung ano mang mamahaling bagay na hanggang ngayo'y nakabitin pa rin sa Krus. Paminsan natanong ko sa aking munting pag-iisip, "hindi ba't nabuhay na muli si Kristo? 'Diba na sakanyang trono na muli siya kasama ng kanyang Ama? "Eh bakit may mga tao pa rin na gustong-gusto pa yata siyang nahihirapan?" Hello, sana naman maisip natin, isa siyang Diyos, Hari ng mga hari, tapos id-display lang natin na may kasama pang dugo para madrama? Nakakiyak lang talaga; tapos hahawakan pa ng mga tao, luluhuran, pupunasan. Uhm, excuse me lang po, God is spirit, and His worshipers must worship Him in spirit and in truth. Eh kung gagawin natin yun, para lang tayong sumamba sa lupa. IDOLATRY, in short. Iniiwasang topic ng iba, pero wala eh, dun pa rin ang bagsak nun.

   Paano naman yung mga Kristyano na nga, pero parang mas lalo pang nalulugmok sa kahirapan? Yung parang, onti na lang magsisisi na tayo na tinanggap natin si Hesus bilang ating Panginoon at tagapagligtas. Well, bilang isang anak ng Panginoon, dapat lang na kilala rin natin ang ating kaaway. Spiritual enemy, is what I mean. Hindi yung mga taong kinaiinisan natin. Si Satan, to be precise. He finds no delight when we surrender our lives to God. Nawawalan kasi siya ng kakampi. He is full of greed. Gusto niya sakaniya lahat. Kaya ayun, pilit na sinisira ang relasyon natin sa Panginoon. Hindi titigil magpatong ng mga problema hangga't bumitaw ka na-- hanggang sa makalimutan mo na yung mga ginawa sa'yo ng Diyos na tapat at buhay.

   Ephesians 6:10-18. Put on the full armor of God. Wag nating sasayangin yung kaligtasang pinagkaloob niya sa'tin. Be strong in the Lord and his mighty power. Wag tayong bibitaw, kasi sayang eh. Sayang naman kung mabubura pa yung pangalan natin sa Book of Life. Sayang yung mga pangako ng Panginoon na pinaghawakan natin kung hindi tayo tatagal hanggang sa huli.

   Pera? Philippians 4:19. God shall supply all our needs. He will provide food on our table, so wag tayong OA kung wala na tayong bigas. HAHA.
   Young love? kapatid, ipagpapalit mo ba ang Panginoon sa isang lalaki/babae lang? Marami pang oras para dyan. Ang tunay na pag-ibig ay nakakpaghintay, and it's gonna be worth it once you overcome this struggle. Mahirap, oo, kasi hindi mo naman mapipigilan ma-inlove. Kahit nga ako mismo nahihirapan na. Although yung sakin naman kasi, I have the assurance na it is God's will, but nevermind me I know I still have to pray and fast for it. So anyway, wag tayong padalos-dalos. Hingin natin yung plano ni Lord, and syempre, mas mabuti na may parents' consent. Mahirap magsisi sa huli. 'Honor your mother and father' ika nga, so wag natin silang lolokohin.
   School works? Isang araw lang naman yung hinihingi ng Panginoon sa buong linggong busy tayo. Maaaring tambak ka na ng gawain kaya pati ba naman yung isang araw na yun kalimutan mong paglaanan ng oras si Lord. Put God first before anything else, people. I-try niyo, everything will move accordingly. Inuna mo siya eh, so uunahin ka din niya. Gusto mo ba na kalimutan ka din niya? Mahirap yun, apart from Him we can do nothing. Kaya nga eto ako, dahil hirap na hirap na sa napakadaming problema sa buhay, nagttype na lang ng aking mga hinaing.

   Wag tayong susuko, wag tayong bibitaw, wag nating kalimutan yung ginawa ng Panginoon para sa'tin. Kapit lang kapatid, marami pa tayong pagdadaanan, pero tandaan natin, may hangganan ang lahat ng ito. May HEAVEN na naghihintay sa lahat ng naniniwala, nagmamahal, at sumusunod sa Diyos. Malay niyo, paggising niyo na lang kinabukasan, makita niyo si Lord with His arms open wide, saying: 'Well done, my good and faithful servant!' - Matthew 25:21; Pero sa ngayon, wag muna Lord. Kailangan pa po ako ng maraming tao. HAHAHAHA.

Ang inyong lingkod,
Munting Pastol

Reaksyon: Bayaning 3rd World


 Gabay para sa mga estudyanteng hirap gumawa ng reaksyon. Paalala, copy-pasting will haunt you to death. 

--------------



Sa introduksyon pa lamang ng pelikula, makikita ang iba’t-ibang pambansang bagay, hayop, at pagkain na nagrerepresenta sa ating bayan. Sa huli ay ipinakita si Rizal bilang ‘national hero’. Ngunit bakit nga ba siya’y tinawag na bayaning 3rd world?

“Sino si Rizal? National hero. The great Malayan.  Ang natatanging Indio bravo.” Ito ang ilan sa mga salitang nabanggit ni Ricky Davao sa pelikula. Mula pagkabata ito ang tinuro sa’tin. Si Rizal ay ang ating pambansang bayani. Siya ay isang Indio na nagbuwis ng buhay para sa bayan. Karapat-dapat nga ba siya sa katawagang iyon gayong mga Amerikano ang pumili sakaniya at hindi tayong mga Pilipino? Gaya ng nabanggit sa pelikula, “kung kasalanang pagdudahan ang pagkabayani ni Rizal, mukhang magkakasala ka”. Marahil ay oo, isa na’ko sa nagkakasala.

“Ako ay isang katoliko, at sa relihiyong iyon, nais kong mabuhay at mamatay.” Isang isyung usapin patungkol sa buhay ni Rizal ay ang pagbabalik loob niya sa simbahan sa pagsusulat ng liham ng gabing bago siya mamatay . May nagsasabing genuine ang teksto, pero kadudaduda ang pirma. 

Nakakalungkot isipin na may mga taong wala sa kanilang tamang pag-iisip, na pati si Rizal ay ginawang diyos. Para sa’kin ay isa lamang siyang tao gaya natin. Oo, madami siyang nagawa kumpara sa iba. Pero hindi ba, tao din siya, nagkakamali. Hindi siya perpekto. Hindi siya Diyos.

Bukod sa nabanggit na si Rizal bago patayin ay kalmado at posturang-postura na tila’y walang nangyayari. Nakakagulat ding malaman na may asong nakasama sa eksena. Ito ay marahil isang pruweba na ‘dog is a man’s best friend’.

 “Ang isang bansang walang bayani ay isang bansang walang kasaysayan” Ito ang linyang makabuluhan na alam kong hindi basta basta sang-ayunan. Naniniwala ako na ang isang bayani ay sumisimbolo sa katagumpayan, nakamit na layunin, at kalayaan ng isang bayan, ngunit hindi ang kasaysayan nito. Kung iisipin, hindi ba’t mayroon tayong mga katutubong nanirahan bago pa man dumating ang mga espanyol?

Hindi ko rin masyadong nagustuhan ang isyu tungkol sa relasyon ni Rizal kay Josephine Bracken. Ang pagsasama ng dalawang taong nag-iibigan sa isang bahay na hindi kasal ay isang kasalanan sa simbahan. Naniniwala akong alam ni Rizal iyon, ngunit bakit pa rin niya ginawa? Talaga bang tinalikuran na niya ang kaniyang relihiyon? Pati pagsusuot niya ng rosary bago mamatay ay napag-usapan sa pelikula. 

Maraming isyu, kontrobersiya, at katanungan na hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot, maliit man ito o malaki. Ngunit kung ano man ang katotohanan sa likod ng lahat, iilan lang siguro ang nakakaalam. At gaya nga ng sabi, ‘kanya-kanyang Rizal’. Lahat tayo’y may iba’t-ibang pananaw o persepsyon sa buhay ni Rizal. Ang iba’y maaring duda sa pagkabayani, ang iba nama’y hanggang ngayon ay hangang-hanga pa rin. 

Kung ako ang tatanungin, oo humahanga ako sa naging buhay ni Rizal. Isa siyang taong may taglay na talino; isang taong may wagas na pagmamahal sa bayan; at isang taong nangarap na makamit ang kalayaan. Hindi man niya naipagtanggol ang bayan gaya ng nila superman, batman, spiderman, o kahit sino pang fictional superhero, siya’y nananatiling inspirasyon ng mga Pilipino na dati’y tinatawag na Indio.